Pagdiriwang ng Buwan ng Wika Idinaos sa UA

Ipinadiwang ng UA Grade School ang buwan ng wika noong Agosto 29-31, 2017.

Ang komemorasyon na may temang “Filipino: Wikang Pagbabago”ay pinangunahan at isinaayos ng
Departamentong Filipino at nilahukan ng mga mag-aaral mula preschool hanggang ika-anim na baitang, mga guro, at mga kawani ng paaralan.

Nagpamalas ng husay ang mga kalahok sa iba’t-ibang patimpalak na inihanda para sa pagdiriwang.
Kinabibilangan ito ng pagbikas ng tula, malikhaing pagbasa ng kwento, balagtasan, deklamasyon,
paggawang bulletin board, pagbasa ng tula, paligsahan sa pagsayaw, at patimpalak ng mga munting
mutya at lakan.Layunin ng pagdiriwang na pagibayuhin ang pagpapahalaga ng mga estudyante at mga
guro at empleyado ang pagbibigay halaga sa ating wikang pambansa.

Ayon kay Gng. Thelma Dizon, coordinator ng Departamentong Filipino sa UAGS, nagging matagumpay
ang pagdiriwang dahil sa aktibong pakikilahok ng lahat at sa ipinakitang interes ng mga kalahok sa wikang Filipino.

Ang mga sumusunod ay mga nagsipagwagi sa mga patimpalak:

Munting Lakan at Mutyang UAGS (Grade 1)

  • Lakan – Melen Rusty de Guzman
  • Mutya – Yvonne Sarah Garcia

Isahang Pagbigkas ng Tula (Grade 2)

  • 1st – Janelle Eira Camaya
  • 2nd – Khristen John Escoto
  • 3rd – Erald Mer Bondoc

Indak Pinoy (Grade 3)

  • Kampeon – 3-Obedience

Malikhaing Pagbasang Kwento (Grade 4)

  • 1st – Denise Angel Quiambao
  • 2nd – Yjoanna Jeune Ocampo
  • 3rd – Fiona Lei Lorenzo

Balagtasan (Grade 5)

  • 1st – Wilma Joyce Culala
    Karl Janus Catindoy
    Maria Anne Paulette Valencia
  • 2nd – Cyenne Lourine Pagcu
    Faith Mikaela Sebolino
    Jan Lorenz Alfonso
  • 3rd – Anhedeine Cunanan
    Francesca Lauren Flores
    Loisee Venice Paras

Deklamasyon (Grade 6)

  • 1st – Gabrielle Hannah Petel
  • 2nd – Aiona Mungcal
  • 3rd – Angelica Shayne Legaspi

Paggawang Bulletin Board (Guro at Kawani)

  • Kampeon – G. Jose Paolo Reyes
    G. Tristan Joseph Mayrina
    Gng. Maricel Navarro
    Gng. LilibethDizon

Pagbasang Tula (Guro at Kawani)

  • Kampeon – Bb. Roselyn Cruz
  • Was this Helpful ?
  • yes   no